IT-BPO sa Pinas, balik-sigla na - NEDA

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), tumaas ang bilang ng mga nagtatrabaho matapos ang COVID-19 pandemic dahil sa mga inisyatibang ipinatupad ng Marcos Administration.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bumalik na ang dating sigla ng Information Technology-Business Process Outsourcing (IT-BPO) sa Pilipinas gaya ng sitwasyon bago magpandemya.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), tumaas ang bilang ng mga nagtatrabaho matapos ang COVID-19 pandemic dahil sa mga inisyatibang ipinatupad ng Marcos Administration.

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, lumitaw sa pinakabagong employment data na nakabawi na ang IT-BPO sector gayundin ang sektor ng turismo na nalugmok noong panahon ng pandemya.

Patunay aniya na dumami ang nagkaroon ng hanapbuhay ay ang inilabas na employment data ng ­Philippine Statistics Authority (PSA) na pagbaba ng unemployment date ng 4.2 percent.

Sinabi ng opisyal na ang tinututukan ngayon ng gobyerno ay ang pagpapahusay sa kalidad ng trabaho lalo na sa mga bagong nagtapos ng kolehiyo para hindi maging biktima ng job mismatch.

Maayos aniya ang labor market at naglalabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng listahan ng in-demand na mga trabaho na maaaring pagpilian ng mga bagong graduate sa kolehiyo.

Show comments