MANILA, Philippines — Tutol ang nasa 51% umano ng mga Pinoy na gawing legal ang diborsiyo sa bansa.
Ito ang resulta sa Tugon ng Masa survey ng OCTA Research Group at lumilitaw na 41% naman ng mga respondents ang sang-ayon sa diborsiyo habang 9% pa ang undecided.
Karamihan umano ng mga Pinoy na sumusuporta sa diborsiyo ay mula sa Mindanao na may 48% at sinundan ng National Capital Region (NCR) na may 46%.
Samantala, ang Visayas naman ang may pinakamataas na porsiyento ng pagtutol sa diborsiyo, na nasa 59%.
Nabatid na karamihan sa mga Pinoy na pabor sa diborsiyo ay mga kabataang nagkakaedad ng 18 hanggang 24 habang ang karamihan naman sa mga tutol ay mga matatandang nasa edad 67 hanggang 74-anyos.
Nakakuha naman ng mataas na suporta ang batas sa mga respondents na kabilang sa Class D na may 42% at mga Pinoy na may college o postgraduate education na nasa 47%.
Ang survey ay isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa may 1,200 respondents.
Mayroon itong ±3% margin of error sa 95% confidence level.
Una nang inaprubahan ng House of Representatives ang divorce bill sa unanimous vote na 12-0 vote mula sa panel, gayundin ng Senado.