2 sakay ng tricycle, patay sa counterflow

Kinilala ang mga  nasawing biktima na sina Apolonio Toyado III, 42, binata, tricycle driver at ang kanyang pasahero na si Joven Braga, 46, binata; kapwa residente ng Zamora St., Pandacan, Maynila habang sugatan naman ang motorcycle rider na si Ronald Mikhail Betonio, 35. Habang nasa kustodiya ng mga otoridad ang driver ng pick-up na si Sanny Ayon, government employee.

MANILA, Philippines — Dalawang katao ang nasawi nang bumangga ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang pick-up at isang tricycle sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga  nasawing biktima na sina Apolonio Toyado III, 42, binata, tricycle driver at ang kanyang pasahero na si Joven Braga, 46, binata; kapwa residente ng Zamora St., Pandacan, Maynila habang sugatan naman ang motorcycle rider na si Ronald Mikhail Betonio, 35. Habang nasa kustodiya ng mga otoridad ang driver ng pick-up na si Sanny Ayon, government employee.

Sa pagsisiyasat ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bago naganap ang aksidente, ala-1:50 ng mada­ling araw sa westbound lane ng Paz Mendoza Guanzon St., Paco, Maynila ay minamaneho ni Ayon ang pick-up (XLL 461) sa westbound lane ng Paz Guanzon St., at pagsapit sa tapat ng Mitsubishi Motors ay makabanggaan nito ang tricycle na minamaneho naman ni Toyado, na noon ay nagka-counterflow sa kalsada.

Sa tindi ng impact ng aksidente, yupi ang tricycle habang wasak naman ang harapan ng pick-up truck habang tumilapon sina Toyado at Braga.

Dead on the spot si Braga habang naisugod pa sa Philippine General Hospital (PGH) si Toyado ngunit kalaunan ay nasawi rin.

Minalas naman na madamay sa aksidente ang motorsiklong minamaneho ni Betonio, na nagresulta rin sa pagkasugat nito.

Ayon sa driver ng pick-up, patungo siya sa airport nang bigla na lang pumasok ang tricycle sa kaniyang linya.

Show comments