^

Police Metro

Higit 27K pulis naka-deploy ngayong Undas

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Higit 27K pulis naka-deploy ngayong Undas
Individuals visit the graves of their departed loved ones at Aglipay Cemetery in Marikina on October 31, 2023 ahead of All Saints’ Day and All Souls’ Day.
Walter Bollozos/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 27,000 na pulis ang nakakalat nga­yong Undas kung saan nasa 4,000 ang assistance help desk na ilalagay sa mga sementeryo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) PIO chief PCol. Jean Fajardo, tuluy-tuloy ang kanilang pagbabantay sa mga lansangan at ilang vital installations sa bansa  sa paggunita ng  All Saints Day ngayon at All Souls Day bukas.

Pinayuhan naman ni Fajardo ang mga bibiya­he na ingatan ang mga dalang gamit at huwag na magdala pa ng malaking halaga ng pera.

Sinabi naman ni National Regional Police Office Office (NCRPO) Director PBGen. Jose Melencio Nartatez, Jr. na naka-deploy na rin sa iba’t ibang sementeryo ngayon hanggang sa Huwebes ang nasa 14,033 na pulis sa 127 sementeryo at columbaria sa Metro Manila.

Maging ang mga pa­ngu­nahing kalsada at bus terminal ay babantayan din ng mga pulis upang matiyak ang seguridad ng publiko at mga mananakay na nais na humabol pauwi ng  kanilang mga probinsiya.

Sinabi ni Nartatez na marami pa rin ang nais na samantalahin ang long weekend kaya doble ang ipinatutupad nilang pagbabantay at pag-ayuda sa mga biyahero.

Nabatid na may nakalaan ding 2,990 contingents mula Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Phi­lippines (AFP), Bureau of Fire Protection(BFP), MMDA, at Force Multipliers.

Sa ilalim ng “Oplan Kaluluwa,” una nang  inins­peksiyon ni Nartatez ang ilang mga sementeryo na kinabibilangan ng La Loma Cemetery, Manila North Cemetery, San Juan Cemetery in Greenhills, Loyola Memorial Park at Bagbag Public Cemete­ry upang masiguro na ma­linis at ligtas ang mga magtutungo ngayon sa sementeryo.

Sinundan ito ng inspek­siyon sa NAIA Terminals, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), Victory Liner, at Five Star Terminal sa Quezon City para sa mga mananakay.

vuukle comment

UNDAS 2023

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with