7 pulis-Crame na nalusutan ng armadong siklista, sinibak
MANILA, Philippines — Pitong pulis ang tinanggal sa puwesto makaraang malusutan ng isang siklista na nagpaputok ng baril nitong Biyernes sa loob ng Philippine National Police Headquarters sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Public Information Office (PNP-PIO) chief PCol. Jean Fajardo, mananatili sa restricted custody ang mga non-commissioned officers assigned with the Headquarters Support Service (HSS) habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Biyernes ng hapon nitong Oktubre 27, nang makalusot sa Gate 2 ng Camp Crame si Geremy Geroy, 50, ng Caniogan, Pasig City habang sakay ng kanyang bisikleta.
Sinabi ni Fajardo na pinapasok ng mga pulis sa gate si Geroy kung saan nakapag log in pa ito nang sabihin papunta siya sa Police Community Affairs and Development Group.
Ngunit nang makarating sa Bulwagang Lapu Lapu sa Camp Crame, biglang nagpaputok ang suspek gamit ang .22 cal revolver na baril na agad inaresto.
Giit naman ng suspek ipinoprotesta niya ang umano’y dayaan ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinampahan ng kasong Illegal Discharge of Firearm at paglabag sa R.A 10591 in Relation to COMELEC Resolution No. 10918 ang suspek.
- Latest