^

Police Metro

Quadcom sa pag-contempt sa mga iniimbestigahan, irereklamo sa SC

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Irereklamo sa Korte Suprema ng grupong Kontra Abuso ng Kongreso ang mga kasapi ng “Quad Committee ” sa kapangyarihan ng mga mambabatas na nag-iimbestiga sa POGO, EJK at alleged human rights violations ng nagdaang administrasyon at ibang komite na nag-iimbestiga sa pondo ng Office of the Vice President.

Ayon kay Atty. Ariel Inton, convenor ng Kontra Abuso ng Kongreso, may kapangyarihan ang Quadcom na mag-imbestiga sa isang taong nais na imbestigahan at mag-cite ng contempt sa isang iniimbestigahang personalidad pero hindi sila husgado para maglitis ng isang tao at lalapatan agad ng contempt sa taong hindi nila nagugustuhan ang sagot sa kanilang katanungan.

“Sinabi ng Korte Suprema na ang legislative inquiry seeks to aid legislation, not conduct a trial or make an adjudication.Thus, the legislative inquiry cannot result in legally binding the privation of a person’s life, liberty or property.

Sinabi ni Inton, na sa takbo ng hearings sa Kongreso ay hindi kagulat-gulat kung may kampong dumulog sa Korte Suprema para hamunin ang pag-imbestiga ng Quad Comm at ilang komite dahil mukhang hindi na in aid of legislation ang kanilang ginagawa kung hindi isa nang paglilitis.

Ang pahayag ay ginawa ni Inton bilang reaksyon sa na-cite for contempt na si Atty. Zuleika Lopez, Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte nang hindi nagustuhan ang sagot kaugnay nang pondo ng Office of the Vice President( OVP) at pagrekomenda ng Committee on Human Rights na mailipat mula sa Congress custodial area si Lopez para dalhin sa Correctional for Women nang hindi pa nakukuha ang mga paliwanag sa isyu.

“Ang “Quad Comm” ay binuo “to conduct a comprehensive joint investigation into possible connection between illegal POGOs, illegal drugs, extrajudicial killings (EJKs) and human rights violations in the course of former President Rodrigo Roa Duterte’s bloody drug war. Pero bakit ikinulong si Lopez, hindi naman EJK yan,”sabi pa ni Inton.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with