^

Police Metro

Indian na nanuhol sa airport, hindi pinapasok sa Pinas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pagbabanta at panunuhol sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI), tuluyang hindi pinapasok sa Pilipinas at inilagay pa sa blacklist ang isang Indian national matapos na lumapag sa Clark International Airport galing sa Singapore.

Sa ulat, dumating sa bansa si Jaskaran Singh, 20-anyos, nitong Oktubre 12.  Hinarang siya ng mga tauhan ng BI makaraang mabigo na mapatunayan na kaya niyang suportahan ang kaniyang sarili at hindi makapagbigay ng dahilan ng kaniyang biyahe sa Pilipinas.

“He was excluded based on Section 29(a)5 of the Philippine immigration act and was turned over to the airlines for boarding on the next available flight back to his port of origin,” ayon kay Immigration Commisioner Norman Tansingco.

Dito tumawag sa te­lepono si Singh at ipinakausap ang kaniyang umano’y ama na nag-alok sa mga immigration officer ng P50,000 para pakawalan ang kaniyang anak. Agad naman itong tinanggihan ng immigration officer na si Jay Manansala.

Dahil dito, nagwala sa paliparan ang dayuhan at pilit na ipinakausap pa ang isang lalaki na nagbanta na kakasuhan ang mga officer kapag hindi pinagbigyan si Singh.

BI

JASKARAN SINGH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with