^

Police Metro

Mayor Joy at DSWD namahagi ng cash aid sa rice retailers

Angie dela Cruz - Pang-masa
Mayor Joy at DSWD namahagi ng cash aid sa rice retailers
Si Mayor Joy Belmonte (ikalawa sa kaliwa) kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian habang pinangungunahan ang pamamahagi ng P15K cash aid sa mga micro rice retailers na naapektuhan sa price cap ng bigas sa Commonwealth Market sa Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Pinangunahan kahapon nina QC Mayor Joy Belmonte at DSWD Secretary Rex Gatcha­lian ang pamamahagi ng  cash aid payout para sa mga micro rice retailers sa Commonwealth Market na apektado ng price cap sa bigas na ipinatutupad sa bansa.

Bago mamahagi ay nag-usap muna sina Mayor Belmonte at Gatchalian hinggil sa ipagkakaloob na ayuda sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-Cash Assistance for Micro Rice Retailers ng DSWD.

Ang payout ng cash aid ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos, Jr  na tulungan ang mga micro rice retailers na maapektuhan ng Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price cap sa bigas.

Kasabay nito, namahagi rin ng tig-P15,000 cash aid sina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary  Alfredo Pascual at  San Juan City Mayor Francis Zamora sa mga micro rice retailers ng San Juan-Agora Market kahapon.

Namahagi rin ng cash aid ang DSWD sa Caloocan City sa mga rice retailers ng Maypajo market.

Nauna rito, sinabi ni Mayor Belmonte na may sarili ring cash aid ang QC-LGU na ipinagkakaloob sa mga rice retailers na nasa ilalim ng kanyang programa na matagal nang pinakikinabangan ng mga negosyante na apektado ng iba’t ibang kalamidad. 

BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with