Oriental Mindoro, inuga ng 5.1 magnitude na lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.1 magnitude na lindol ang Bansud, Oriental Mindoro kahapon ng ala-1:38 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tectonic ang origin ng lindol na may lalim ng lupa na isang kilometro. Naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity V sa bayan ng Pinamalayan at Intensity IV sa Bansud at Gloria, Oriental Mindoro.
Ayon sa Phivolcs, nagkaroon kaagad ng aftershock matapos ang lindol na umabot sa 4.2 magnitude ng bandang 1:42 ng umaga. Wala namang naiulat na nasirang ari-arian matapos ang lindol.
- Latest