EcoWaste, nagbabala sa pagbili ng kapote na may nakalalasong kemikal

MANILA, Philippines — Nagpapaalala ang toxic watchdog group na Eco­Waste Coalition sa mga magulang na maging mapanuri kung bibili ng kapote para sa kanilang mga anak ngayong nalalapit na tag-ulan dahil sa nadiskubre na ang ibinebentang plastic raincoats sa mga  merkado ay may nakalalasong kemikal.

Tinukoy nito ang ilang kapote na gawa sa poly­vinyl chloride (PVC) plastic at nakitaan ng mataas na lebel ng cadmium na delikado para sa mga bata.

Binigyang diin ng grupo na ang matagal na exposure sa cadmium ay maaaring magdulot ng malalang sakit gaya ng cancer.

Upang maiwasan ito, nagpayo ang grupo sa publiko na huwag bumili ng mga plastic rain gears na may matapang na amoy kemikal at may markang “PVC” o “vinyl.”

Hinikayat din ng grupo ang mga consumer na pala­ging suriin ang kondisyon ng mga rain gears at iba pang PVC-based products na ginagamit ng mga anak kabilang ang backpacks at lunch bags, upang masiguro na walang cadmium dust na maaaring malanghap ng kanilang mga anak at tuloy maingatan ang kalusugan ng mga ito mula sa mga cancer-causing at kidney-damaging chemicals na ipinagbabawal ng European Union na ma­ibenta sa mga pamilihan.

Show comments