^

Police Metro

‘Kubol’ ng mga preso sa Bilibid, binuwag

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinagbubuwag ang mga kubol ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos iutos ito ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr.

Sa ulat kahapon, ­Agosto 19, nasa 60 kubol na ang kusang giniba ng mga preso sa security housing building 1 at 6 New Bilibid Prison (NBP) North, SHB 9 NBP East Quadrant 4 at SHB 7 NBP West Quadrant 2, habang ang pagbuwag ng kubol sa Quadrant 3 ay nagpapatuloy pa na matatagpuan naman sa maximum security compound.

Sinabi ni Catapang na ang hakbang ay bahagi ng ipinatutupad na crackdown laban sa mga kontrabando sa lahat ng mga piitan na nasa ilalim ng Bucor.

Babala pa ni Catapang, ang mga hindi pa nagigibang kubol ay sisimulang sirain ng mga tauhan ng BuCor simula sa Lunes, Agosto 21, partikular sa mga kubol sa Diversified Maintenance Unit .

Dagdag pa niya, inatasan na niya ang bagong itinalagang Deputy Director General for Operations na si Gil Torralba na manguna sa operasyon, gayundin ang operasyon ng Greyhound (Galugad) na regular na isasagawa sa national penitentiary.

vuukle comment

NEW BILIBID PRISONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with