6 pulis sa Jemboy case, ‘no-show’ sa piskalya

Members of the Philippines National Police (PNP) on July 20, 2023
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hindi humarap sa pis­kal­ya ang anim na pulis na sangkot sa pagpatay kay Jerhode ‘Jemboy’ Baltazar noong Agosto 2 sa Navotas City.

Tanging ang mga abogado lamang nina Police Executive Master Sergeant Roberto Balais, Police Staff Sergeant Gerry Maliban, Police Staff Sergeant Antonio Bugayong, Police Staff Sergeant Nikko Esquilon, Police Corporal Eduard Blanco at Patrolman Benedict Mangada, ang nagtu­ngo sa prosecutor’s office sa unang preliminary inves­tigation.

Ang anim na pulis ay na­­ha­harap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Ngunit ayon kay Atty. An­sheline Bacudio, ilalaban nila na maitaas sa murder ang kaso laban sa anim na pulis.

Handa naman ang sak­sing si ‘Tony’ na ilahad sa piskalya ang tunay na nang­­yari sa police operation hanggang sa mapatay si Baltazar.

Matatandaan na noong Agosto 2 ay napatay si Bal­tazar habang naghahanda na sanang mangisda nang pagbabarilin ng mga pulis sa Brgy. NBBS Kaunlaran makaraang mapagkamalang suspek na tinutugis nila sa isang follow-up ope­ration.

Kahapon ay hinatid na sa kanyang huling hantu­ngan si Baltazar sa La Lo­ma Cemetery sa Caloocan City.

Show comments