MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang ama,10-anyos niyang anak at biyenang lalaki matapos masalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang van sa bahagi ng General Santos-Koronadal Highway, Tupi, South Cotabato, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jomar Fermalino, 50, kanyang anak na si Shena, 10; at ang 74-anyos na biyenan na si Selvia Bastan. Sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mga biktima patungo sana sa Surallah, South Cotabato mula sa General Santos City nang masalpok ng van sa nasabing highway na sakop ng Barangay Palian.
Pagkasalpok sa motor ay hindi huminto ang van na kung saan ay tinutugis na ang driver ng mga otoridad.