MANILA, Philippines — Napakalaking mayorya ng mga botante sa Carmona, Cavite ang bumoto para maging ganap na siyudad na ito mula sa pagiging bayan sa ginanap na plebisito noong Sabado.
Base sa resultang inilabas ng Commission on Elections ay nagpakita na 30,363 sa 31,632 na botante, o humigit-kumulang 96%, ang sumuporta sa ratipikasyon ng Republic Act 11938, o ang batas na ginagawang component city ng lalawigan ng Cavite ang Carmona.
May kabuuang 1,016 na indibidwal ang bumoto laban sa panukala.
Ang voter turnout ay 53.9%. Ang Carmona ay mayroong 58,691 rehistradong botante.
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang RA 11938 noong Pebrero 23.