‘No plate, no travel’ policy mahigpit na ipapatupad ng PNP
MANILA, Philippines — Sa mas mahigpit na pagpapatupad ng “no plate, no travel” policy sa buong bansa ay asahan na mas maraming pasaway na motorcycle rider ang mahuhuli ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang binigyan diin ni PNP chief Benjamin Acorda Jr. sa isinagawang command conference nitong Linggo na kung saan ang Highway Patrol Group (HPG), ang magsasala ng mga motorcycle rider na walang plaka.
Sa pamamagitan din aniya nito ay mapipigilan ang mga krimen gamit ang motorsiklo ng walang plaka o peke ang plaka.
Nilinaw ni Acorda na hindi exempted sa polisiya ang mga pulis.
Magkakaroon din ng koordinasyon ang PNP sa Land Transportation Office (LTO) upang tuluy- tuloy ang implementasyon ng “no-plate, no-travel” policy.
Sa ilalim ng “No-registration, No-Travel” policy na nakapaloob sa 2015 Joint Administrative Order na inisyu ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at LTO, ang lahat ng motorsiklo na bibiyahe ay kailangan na may balidong plate number.
Papatawan ng multang P10,000 ang may-ari ng unregistered motorcycle habang P1,000 naman sa driver ng motorsiklo.
- Latest