PMA topnotcher nagbigay-pugay sa dalawang nasawing mistah
MANILA, Philippines — Nagbigay-pugay si Cadet First Class Warren Leonor sa kanyang dalawang mistah na namatay sa loob ng Philippine Military Academy.
Sa kanyang valedictory message, binanggit ni Leonor si Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio, na nasawi sa 2019 hazing incident, at Cadet Fourth Class Mario Telan Jr. na natagpuang nalunod sa academy pool matapos ang swimming class.
“To our dear mistahs who have departed Cadet Darwin Dormitorio and Cadet Mario Telan Jr., you will forever be a cherished part of the Madasigon Class of 2023,” wika ni Leonor.
Si Dormitorio ay nasawi sa hazing-related injuries noong September 18, 2019, na naging dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ng mga officials.
Samantala, ayon sa Baguio City police na walang indikasyon na may naganap na foul play sa pagkalunod ni Telan.
- Latest