‘Wag kayong nerbiyosin sa nuclear power — Marcos

“At lahat nitong bagong teknolohiya ay talagang titingnan natin. We continue to work on all of the sources of renewable…Tinitingnan na rin natin ‘yung nuclear power. Huwag kayong ninerbiyosin,” ani Marcos.
STAR / File

MANILA, Philippines — Magiging ligtas ang mga mamamayan sakaling magtayo ng nuclear power plant sa bansa upang magkaroon ng seguridad sa enerhiya.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa kanyang pagdalo sa presentasyon ng 160-Megawatt Wind Farm in Pagudpud, Ilocos Norte.

“At lahat nitong bagong teknolohiya ay talagang titingnan natin. We continue to work on all of the sources of renewable…Tinitingnan na rin natin ‘yung nuclear power. Huwag kayong ninerbiyosin,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos na titiyakin na magiging ligtas ang lahat at hindi magkakaroon ng insidente na katulad nang nangyari sa Fukushima, Japan.

Sinabi rin ni Marcos na pagagandahin ang mga geothermal at maaari ring palawakin ang mga dam.

“As I mentioned solar briefly, tinitingan natin ‘yung pagagandahin natin ‘yung mga geothermal, ‘yung mga dam natin baka puwede pang i-expand ang hydrothermal na power na kinukuha natin diyan,” ani Marcos. Idinagdag ni Marcos ang pangangailangan na maghanap ng mga bagong pagkukunan ng kuryente.

Show comments