^

Police Metro

3 todas, 9 sugatan sa kidlat

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi habang siyam ang nasugatan matapos tamaan sila ng kidlat sa Banate, Iloilo.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mila Soberano, 38; Rosalie Soberano, 48; at Britney Labos, 25 na tatlong buwang buntis.

Nasugatan naman sina Felomino Sadiang-ibon, 77; Janelyn Igona, 38; Carlo Soberano, 11; Jumar Sobe­rano, 42; IJ Soberano, 29; Sharime Soberano, 20; Ivan Sobe­rano, 44, at dalawang iba pa.

Batay sa salaysay ng mga nakaligtas, nag-aani ang mga biktima sa isang palayan sa Sitio Giragid, Ba­rangay Libertad nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nang sumilong ang mga biktima sa isang kubo ay biglang kumidlat at tinamaan ang mga ito.

Namatay noon din ang tatlo habang ang mga nasugatan ay isinugod sa pinakamalapit na ospital.

vuukle comment

KIDLAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with