1,000 motorista sa NCR, huli sa single ticketing system
MANILA, Philippines — Mahigit sa 1,000 motorista ang nahuli ng mga traffic enforcers sa unang tatlong araw pa lang ng implementasyon ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR).
Ito ang iniulat kahapon ni San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng Metro Manila Council (MMC) na kung saan sa kanyang lungsod ay mahigit 100 na ang naitalang violators.
Nasa humigit-kumulang 1,000 naman aniya ang naitalang lumabag sa iba pang lungsod na kalahok sa rollout ng bagong sistema.
Ibinalita rin ni Zamora na naging maayos naman ang pagpapatupad ng single ticketing system sa mga unang araw nito.
Nasa limang lungsod sa Metro Manila ang kalahok sa pilot testing ng programa na sinimulan noong Mayo 2. Nabatid na target na maipatupad ang full implementation ng single ticketing system sa ikatlong bahagi ng 2023.
- Latest