P150 umento sa sahod sa private sectors hinirit
MANILA, Philippines — Inihihirit ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list Representative at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza na mabigyan ng P150 umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin.
Si Mendoza ay naghain ng House Bill (HB) No. 7871 o ang Wage Recovery Act of 2023 na naglalayong ipatupad ang Across the board wage recovery na P150 umento sa arawang sahod ng private sectors employees.
“The TUCP also recommended win-win policy solutions for workers and employers, such as the provision by employers to their workers of cost-of-living allowances that could be used as a tax credit by the business owners, or a one-time, big-time P5,000 subsidy from glovernment for minimum and near-minimum wage earners,” ani Mendoza.
Gayunman, ayon sa solon tinanggihan ng mga economic managers ang nasabing opsiyon na kung tutuusin niya ay ‘survival crisis’ para sa milyong mga manggagawa na nagbunsod aniya sa TUCP para ihain ang nasabing panukalang batas.
Binigyang diin ng mambabatas na lubhang kinakailangan na ang pagsasabatas sa umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa gitna rin ng tumataas na presyo ng pagkain at maging sa bayarin sa Kongresista.
- Latest