^

Police Metro

Omicron subvariant XBB.1.9.1 nasa Pinas na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakapasok na rin sa Pilipinas ang bagong Omicron subvariant na XBB.1.9.1 makaraang 54 na kaso nito ang natukoy sa pinakahuling genome sequencing.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa 39 kaso nito ang natukoy mula sa samples na isinailalim sa sequencing ng University of the Philip­pines - Philippine Genome Center mula Abril 3 hang­­gang 11.

Hindi pa naman nagbigay ng impormasyon ang DOH hinggil sa 15 iba pang kaso nito.

Kamakailan lamang ay nadagdag sa listahan ng mga ‘variants under monitoring’ ng World Health Orga­nization (WHO) ang naturang subvariant.

Batay sa ulat ng DOH, ang variant ay natukoy na sa may 63 bansa o hurisdiksiyon sa anim na kontinente, ayon sa sequence submissions sa GISAID.

Gayunman, sinabi ng DOH na ang mga kasaluku­yang available na ebidensiya para sa XBB.1.9.1 ay hindi naman nagpapakita na may kaibahan ito sa disease severity at clinical manifestations, kumpara sa orihinal na Omicron variant.

Nakasaad rin naman sa ulat na may 150 bagong kaso pa ng Omicron COVID-19 subvariants ang natukoy sa bansa.

OMICRON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with