Inflation noong Pebrero, bumaba
MANILA, Philippines — Bumaba ang inflation o presyo ng mga bilihin noong buwan ng Pebrero.
Ito ang inihayag ng Presidential Communications Office (PCO), base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nasa 8.6 porsyento lamang ang naitalang inflation rate.
Mas mababa ito sa 8.7 porsyento na inflation na naitala noong Enero.
Ayon sa PCO, ang pagbaba ng inflation noong Pebrero ay dulot ng pagbaba ng presyo ng mga pagkain at produktong petrolyo dahil sa patuloy ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapatupad sa mga programa at inisyatibo ng pamahalaan upang matugunan ang inflation. - Angie dela Cruz
- Latest