^

Police Metro

Anak na babae ng dating vice mayor sa Masbate, 1 linggo nang nawawala

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humingi na ng tulong sa mga otoridad ang dating vice mayor ng San Fernando, Masbate para ma­hanap ang kaniyang anak na babae na isang linggo nang nawawala.

Nabatid na noong Peb­rero 20 nang umalis umano sa tinutuluyang condo unit sa Taguig ang kanyang anak para katagpuin ang nakahiwalayan umanong asawa.

Ayon kay dating Vice-Mayor Karla Bunan, hanggang ngayon ay hindi pa nakikipag-ugnayan sa kanya at sa mga kaibigan ang kanyang anak na si Veronicka Bunan Romualdez.

Nang umalis umano ito sa tinutuluyang condo unit sa Bonifacio Global City noong Pebrero 20, kinatagpo umano ng kanyang anak ang nakahiwalayan nitong mister na si John Lorenz Ro­mualdez, sa isang hotel sa Parañaque.

“Hindi ko po alam kung nasaan siya. Wala siyang ta­wag. Kahit sa mga kaibigan niya po hindi siya tumatawag, very unusual po ito,” wika  ng dating bise alkalde.

“Nung nakita ko po yung CCTV footage na dumating po sila, sabay po sila nung mag-asawa, doon ko po nalaman na talaga pong si Veronicka po nagpunta at saka si John Lorenz po yung kanyang husband noong [Feb­ruary] 20 nung gabi,” patuloy niya.

Nanatili umano ang mag-asawa sa hotel at umalis sa sumunod na araw pero nauna umano si John Lorenz.

“Kinabukasan lumabas po ng room, nauna po yung lalaki, tapos si Nicka po... nagpunta ng basement. Tapos yun na po... ang huling kita sa kanya. Hindi po siya nakitang sumakay ng kahit anong sasakyan po,” wika pa ni Bunan.

Ayon kay Bunan, ilang buwan nang hiwalay ang kanyang anak kay John Lo­renz. Pero nakipagkita umano ang kanyang anak dito na nais umanong makipag-ayos.

Naghain na ng missing person report ang pamilya ng dating bise alkalde sa Taguig police at nagsumite na ng report sa PNP Anti-Kidnapping Group para ma­hanap si Veronicka.

NAWAWALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with