Anak ni Sec.Remulla nalo bilang bagong Cavite solon
MANILA, Philippines — Iprinoklama kahapon ang bagong kinatawan ng ika-7 distrito ng Cavite na si Cavite Board Member Crispin “Ping” Remulla sa isinagawang Special Election noong Sabado, Pebrero 25.
Ang ikapitong distrito ay binubuo ng Amadeo, Indang, Tanza at Trece Martires City, Cavite.
Iprinoklama si Remulla sa Cavite Provincial Capitol ni Atty. Mitzele Morales-Castro, Provincial Election Supervisor ng Cavite, na nakakuha ng kabuuang bilang na 98,474 boto, ang pinakamataas na bilang na boto laban sa kanyang mga katunggali.
Idinaos ang special election upang punan si dating Congressman at ngayo’y Justice Secretary Crispin ‘Boying’ Remulla matapos italaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing posisyon.
Nabatid na 42.11 percent lamang o 149,581 sa kabuuang botante ang bumoto sa nasabing special election sa kabuuang 355,164 na rehistradong botante. — Cristina Timbang
- Latest