Scammer doble kayod sa pambibiktima

Full names are now appearing on text spams raising concern among Filipinos. According to a National Privacy Commission official, names may have been manually or automatically scraped from certain apps.
Philstar.com / EC Toledo

Sa papalapit na SIM card registration deadline…

MANILA, Philippines — Nagdodoble-kayod na umano ang mga scammer upang makapambiktima dahil papalapit ang deadline sa pagpaparehistro ng Subs­criber Identity Module (SIM) cards.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (ACG) director Police Brigadier General Joel Doria kung saan alam umano ng mga scammer na madali na silang mahuhuli sa oras na tuluyan nang maipatupad ang SIM registration.

“Napapansin natin nagdo-double time din ang mga scammer consi­dering na alam naman natin na doon sa registration natin ngayon is talagang minamadali na,” aniya.

Kasabay nito, hinimok naman ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. ang mga nagbebenta ng SIM card na ilista ang pangalan ng mga bumibili nito, kasabay ng pag-check sa kanilang mga ID.

Hanggang nitong Pebrero 5, sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na mayroon nang 28,000,000 SIM cards ang naiparehistro na kung saan ay nasa 150,000,000 SIM cards naman ang inisyu ng telecommunications firms.

Sa kabila nito, nilinaw ni Doria na posibleng may mga scammer na bumibili ng prepaid SIM cards na ginagamit lamang ng isang beses at itinatapon pagkatapos gamitin.

Sinimulan ang SIM Card Registration noong Disyembre 27 makaraang pirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre ang batas para rito.

Show comments