Presyo ng bulaklak sa Dangwa, triple tinaas

MANILA, Philippines — Dahil sa nalalapit na Valentine’s Day o Araw ng mga Puso, halos triple na itinaas na presyo ng bulaklak sa Dangwa flo­wers market sa Sampaloc, Maynila kahapon.

Ayon sa mga tindera, sa pagpasok pa lang ng buwan na ito ay nagsitaasan na ang mga presyo ng bulaklak dahil sa nalalapit na Araw ng mga Puso.

Kung dati ay mabibi­­li lang ng P500 ang isang dosenang rosas, sa ngayon ay P1,200.00; ang dating P180.00 na 10 tangkay ng carnation ay nasa P300.00 na ngayon; ang 10 tangkay ng Gerbera naman na dati ring P180.00 ay nasa P300.00 na rin.

Pinaka-popular sa okasyong ito ang kulay pulang rosas kaya’t may kaniya-kaniyang estilo o disensyo sa boquet ng bulaklak ang mga nilalako ng mga tindera na karaniwang may kasamang tsokolate at stuff toys, at ang nauusong money boquet.

Naging mas madali na rin ang pagbebenta at delivery dahil sa social media at online shops.

Show comments