^

Police Metro

Mga bodega ng pekeng sigarilyo sa CALABARZON, sinalakay ng BIR

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinalakay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga bodega at may-ari ng tindahan ng mga pekeng sigarilyo na nakakalat sa publiko sa rehiyon ng CALABARZON.

Sa Laguna, mahigit apat na malalaking kahon na naglalaman ng 400 boxes bawat isa na may tinata­yang nagkakahalaga ng P100,000 ang nasabat sa Brgy. Bitin, Bay, kahapon ng umaga.

Ayon kay Dondanon Galera, BIR regional director ng Laguna, Quezon­ at Marinduque na apat na team na binubuo ng limang tauhan ng BIR ang binuo para magsagawa ng sabay-sabay na operasyon sa Los Baños, Bay, Pila at Victoria, lahat sa probinsya ng Laguna.

Ang operasyon ay nag-ugat sa mga naiulat na impormasyon at nabatid mula sa mga concerned citizen na maraming negosyante at may-ari ng tin­dahan ang nabigong magbayad ng labis na buwis sa mga sigarilyo at pekeng sigarilyo.

Sinabi ni Galera na mahigit isang bilyong piso ang nawala sa gobyerno na dinaya ng mga negos­yante at indibidwal na may-ari ng tindahan na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na sigarilyo.

Kakasuhan ng criminal­ complaint batay sa Inter­nal Revenue code ang ka­kaharapin ng mga indibidwal at negosyante kung ma­patunayang sangkot sila sa pagbebenta ng mga ipinagbabawal na sigarilyo o sa kanilang pag-aari.

BIR

SIGARILYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with