^

Police Metro

Ombudsman hinihingan ng paliwanag ang DA at FTI officials sa sibuyas

Angie dela Cruz - Pang-masa
Ombudsman hinihingan ng paliwanag ang DA at FTI officials sa sibuyas
A man buys onions at a market in Manila on January 11, 2023.
AFP/Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Sa pagbili sa mataas na presyo ng sibuyas sa isang kooperatiba ay hinihingan ng paliwanag ng Office of the Ombudsman ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Food Terminal Inc. (FTI).

Ayon kay Ombudsman­ Samuel Martires, nais niyang malaman ang katuwiran sa pagbili ng dalawang ahensiya ng P537 kada kilo ng sibuyas mula sa Modena Multi-Purpose Cooperative.

Sa sulat ni Martires sa mga opisyal, hihingiin niya ang paliwanag ng mga ito kung saan hinugot ang P140 milyon na ipinambili ng sibuyas.

Nabatid na ang FTI naman ang ginamit na ahen­siya sa pagbili ng mga sibuyas mula sa kooperatiba.

Ang mga biniling si­buyas ay ipinagbili naman sa Kadiwa Stores sa hala­gang P170 kada kilo.

Ang paliwanag ng mga nabanggit ay magiging­ ba­hagi na ng isasagawang­ im­bes­tigasyon ng Ombudsman­ hinggil dito.

SIBUYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with