100 bahay sa Parañaque, nilamon ng apoy
MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 100 kabahayan sa Tramo 1, Barangay San Dionisio, Parañaque City ang nasunog kahapon ng madaling araw.
Nasa 160 pamilya ang nawalan ng kanilang bahay sa naganap na sunog na nagsimula, alas-3:09 ng madaling araw, sa bahay ng isang Joble Napoles sa Tramo 1, Barangay San Dionisio, Bigornia Street, Tramo Uno.
Itinaas sa ika-5 alarma ang sunog pagsapit ng alas-3:51 ng madaling araw dahil sa pawang yari sa light materials ang mga kabahayan at nadamay din ang residential area sa Tramo 2 , bago ideklarang fire under control, alas 6:14 ng umaga.
Naapula ang apoy, alas-7:09 ng umaga at tinatayang nasa P40,000.00 ang naabong ari-arian na kung saan dalawa ang nasugatan na isang fire volunteer at residente.
Wala namang nasawing tao, maliban sa isang aso na binawian ng buhay sa sunog at hinihinalang natumbang kandila ang dahilan ng sunog dahil pawang walang mga koneksyon ng kuryente ang mga kabahayang maliliit.
- Latest