^

Police Metro

P8.5 milyong ecstasy galing France, nakumpiska

Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga otoridad ang P8.5 milyong halaga ng ecstasy tablets mula sa babaeng suspek sa “controlled delivery operation” nitong Miyerkules, sa Santa Rosa City, Laguna.

Sa ulat, sinabi ng Region 4A police na naaresto ng mga operatiba ng Ninoy Aquino International Air­port-Inter-Agency Drug In­ter­diction Task Group, Calabarzon Drug Enforcement Unit, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Postal Corp., at local police, alas-3:30 ng hapon si Joy Buatista, alyas “Aira Almonte,” sa gasoline station sa Barangay Dita.

Nasamsam ng mga ope­­ratiba ang cargo box na idineklarang “children pla­ying item” at may anim na stuffed toys at apat na improvised pouches.

Nang buksan ang kahon, naglalaman umano ang mga pouch ng 5,032 pink tablets na hinihinalang ecs­tasy na may street value na P8,554,400.

Ayon sa mga pulis, nag­mula ang cargo sa isang Buatista Victoria mula Lille, France at nakapangalan sa naarestong suspek.

Kasalukuyang nakaditine ang suspek at kakasuhan ng paglabag sa Section 4 (Importation of Dange­rous Drugs) ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

ECSTASY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with