^

Police Metro

PM, Ilalapit pa sa Puso ng Masa

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ilalapit pa sa puso ng Masang Pilipino ang inyong paboritong tabloid na Pang Masa (PM).

Sa plans and program na ipinadala sa sumulat nito  ni Jack Guimal, Account Executive ng pahayagang ito, asahan na ng mga readers ng PM sa pagmamarka o pagtunton nito sa ika-19 taong anibersaryo ay ang pag-aabot ng kamay ng mga pamunuan at empleyado ng PM sa mga mambabasa at tagasubabay nito.

Kabilang sa mga objectives o layunin ng pamunuan ng PM sa darating na mga araw, buwan at taon ay ang mga sumusunod.

“We get closer to our audience” Ang PM at PSN Team ang lalapit sa mamamayan upang madala nila ang excitement ng nangungunang Tabloid sa bansa.

Brand Awareness na ang layunin ay kunin ang market ng nasa bracket ng class C, D, E para ipakilala, basahin, tangkilikin, subscribe at i-follow ang PM.

Create Lasting “Products” bumuo ng mga natatangi brand of anchors that can be sustain annually.

Reach new clients o maghanap ng mga bagong kliyente na ma­kakatulong, ma­ka­pagbibigay at magpapakilala sa higit pang pinahusay at pinagandang mababasang artikulo sa pahayagang ito na akma sa panlasa ng Masang Pilipino.

Nakalatag din ang pagsasagawa streamline webinars for public service na tatalakay sa mainit at napapanahong isyu sa Lipunan.

Maging ang mga hot topics sa isyu ng kalusugan o health issue, social issue, lifestyle, finance/business, sports at movies/intertainment.

Pipili ang PM ng napapanahon at mainit na isyu na pinag-uusapan o trending issue na nais malaman ng publiko.

From time to time ay magbibigay din ang PM ng update sa isang mainit na usapin at kaganapan sa lipunan.

May nakalatag din pakulo ang PM para sa lahat ng readers nito, tulad ng Online Gameshow, Brand mo ang Bida at Guest the missing ingridients.

Gayundin ang Wais sa Kwarta sa iyong Barangay, pagkakaroon ng tour sa mga barangay kung saan bibigyan ng basic na kaalaman sa negosyo ang mga mamamayan upang magsimula ng kanilang panghanapbuhay.

Maging ang pagpapasaya tulad ng Pista sa Nayon ay kabilang sa nakalatag na programa ng PM.

Lahat ng Pista ay aabangan ang pagdating ng PM sa mga Nayon at Barangay upang maghatid ng kagalakan dahil sa dala nitong bonggang pagdiriwang kasama ang mga brands na magpapasikat sa iba’t-ibang paraan.

Kabilang sa mga fiesta na planong puntahan ng PM team ay ang Pahiyas Festival sa Lucban Quezon, Panefrancia Festival sa Naga City, Camarines Sur at iba pa.

Nakikipag-partner ang PM sa Local Goverment Units (LGU’s) at ipi-featured ang mga magagandang lugar at masasarap na pagkain sa kanilang nasasakupan.

Nag-o-organisa rin ang PM team ng Paligsahan, Palarong pampamil­ya na maaaring sumali ang bawat mamamayan sa isang bayan.

Maging ang Zumbathon, matira ang matibay sa yugyugan Di’ Papatalbog. Ninjaboy, wagi ang pinakamabilis at Maliksi at King Kamao o Arm Wrestling Competition.

Ilan laman iyan sa nakalatag na proyekto ng PM Team sa darating na mga araw, buwan at taon.

Happy Anniversay PM Family, Happy Reading. GOD BLESS US ALL.

PANG MASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with