^

Police Metro

Iskedyul para sa Nazareno 2023 inilabas

Danilo Garcia - Pang-masa
Iskedyul para sa Nazareno 2023 inilabas
In this Jan. 5, 2021 photo, devotees attend the Misa-Nobenaryo for the Nuestro Padre Jesus Nazareno
Quiapo Church / Twitter

MANILA, Philippines — Tatawagin muna na Nazareno 2023 sa halip na Tras­la­cion ang gagana­ping kapis­tahan ng Itim na Nazareno sa darating na En­ero 9, 2023.

Sa ginanap na orientation kahapon, sinabi ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na lahat ng ele­mento ng pagdiriwang ay kumpleto maliban sa ‘paha­lik’ at ‘papasan’.

Sinabi ni Alex Irasga, ad­viser ng simbahan, ilan sa mga aktibidad ang pag­pa­padala ng imahe ng Nazareno sa iba’t ibang lalawigan, sektor at mga ko­­munidad mula Disyembre 1 hanggang 15. Mula Disyembre 27 hanggang 29 naman ang pagbabasbas sa mga replica ng Itim na Nazareno.

Ang Pahalik o tinawag na ngayong Pagpupugay at pagsasagawa ng misa ay gaganapin sa Quirino Grandstand sa Enero 7.

Dito maaari pa ring lumapit sa Nazareno ang de­boto pero kailangan mu­na na mag-alokohol bago at pagkatapos magpunas sa imahe. Kailangan din na na­ka­suot ng face mask ang mga deboto.

Sa Enero 8 ng mada­ling araw naman gagana­pin ang “Walk of Faith” kung saan mag­kakaroon ng sunud-su­­nod na misa hang­gang sa Enero 9 o ang mismong Ka­pistahan ng Quiapo.

Dito magkakaroon ng prusisyon mula sa Quirino Grandstand ngunit hindi muna kasali ang ‘andas’ ng Nazareno.

Ilalabas umano ang ima­he ng Nazareno sa Jones Bridge kung saan magka­ka­roon ng “sungaw” sa image ng Mahal na Birhen ng Soledad at pagsapit naman sa tapat ng Sta. Cruz church ay ila­labas din ang imahe para sa “sungaw.”

Ipatutupad ang mga nakatakdang health protocols sa mga hiwa-hiwalay na pagdiriwang upang makaiwas sa posibleng hawahan ng COVID-19.

QUIAPO BLACK NAZARENE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with