^

Police Metro

2 bus bomber, ‘di nagpahuli nang buhay

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaking pinaniniwalaang nasa likod ng pagpapasabog sa Yellow Bus Line sa Tacurong City, noong 2018 matapos manlaban habang isinisilbi ang warrant of arrest.

Batay sa ulat, napatay ang dalawang suspek na si Aiman Mandi Ali alyas “Aiman Ali” at partner nito na si Hairon Akmad Martin noong Sabado ng umaga sa Purok Pinnen, Barangay Rosary Heights 6, Cotabato City.

Sinasabing ang dalawa ay  kasapi ng Dawlah Isla­miyah-Hassan Group at pangunahing mga suspek sa pang­bobomba sa Yellow Bus Line sa Tacurong City.

Batay ulat ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, alas-8:00 ng umaga ay isisilbi ng mga otoridad ang arrest warrant na ipinalabas ni Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 19, Isulan, Sultan Kudarat sa mga kasong Comprehensive Dangerous Firearms and Ammunitions Regulations Act (RA 10591) at illegal gun running (RA 9516).

Pagdating sa lugar ng mga otoridad ay agad silang pina­putukan ng mga suspek kaya’t napilitang gumanti ng putok ang operatiba na kung saan ay tinamaan ang mga suspek sa kanilang katawan.

Base sa police records, sangkot din umano si Abu Aiman sa South Seas Bombing sa Cotabato City noong 2018 at kasama sa mga naging operasyon ng Daulah Islamiyah Abu Turaife at Salahudin Hassan Group sa Central Mindanao.

BOMBER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with