^

Police Metro

Pulis, 1 pa timbog sa ‘di lisensyadong baril

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isa nilang kabaro at kasama nito na nahulihan ng baril na walang lisensiya sa Caloocan City.

Kinilala ang mga suspek na sina Police Staff Sergeant Gideon G. Geronga, Jr.,  alyas Jon-Jon, 44, nakatalaga sa Quezon City Police District-Station 16 (Pasong Putik),  at Ulrick Waldemar S. Abaca alyas Lek-Lek, 34, kapwa residente ng Brgy. 176, Caloocan City na kinasuhan sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Nabatid na nagpapatrulya ang mga operatiba ng Sub-Station 15 ng Caloocan City Police Station, alas-4:00 ng madaling araw  kamakalawa  nang may magsumbong na namataan nila ang mga suspek na may dalang baril sa Phase 7A, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.

Lumapit ang mga parak at inatasan ang mga suspek na huminto ngunit nagtatakbo ang mga ito at  matapos ang maikling habulan ay nahuli ang dalawang suspek at  nakumpiska ang .45 caliber pistol, tatlong magazine, 21 bala at Philippine National Police identification card ni Geronga.

vuukle comment

OTORIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with