^

Police Metro

Rapist/killer ng senior high student, kinasuhan na

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng pulisya­ ang pedicab driver na suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang 18-anyos na dalaga na natagpuang patay sa madamong lugar ng Brgy. Cadlan, Pili, Camarines Sur, kamakailan.

Ang suspek na kinila­lang si Reymark Belleza at residente ng Brgy. Cadlan ng nasabing bayan ay unang itinuring na person of interest ng pulisya sa pagpatay at panghahalay sa biktimang si Irish Mae Payonga, 18-anyos, senior high student ng Ateneo de Naga University at residente ng Brgy. Marupit, Camaligan.

Habang iniimbestigahan ng pulisya ay umamin ang suspek na siya ang gumawa ng kalunus-lunos na krimen lalo na nang ipakita ang kopya ng CCTV camera na ang kanyang pedicab­ ang nakitang sinakyan ng biktima na patungo sana sa provincial capitol com­plex para dumalo sa pagtitipon ng kanilang simbahan, su­balit hindi na nakarating.

Ayon pa suspek na ninakaw niya ang cellphone, pinatay sa pamama­gitan ng pagtakip sa bibig at ilong nito hanggang hindi na makahinga bago ginahasa ang biktima.

Siya rin ang itinuturo ng isa pang pasahero na katabi ng biktima na sinakyan nila na nangangamoy alak pa.

Agad sinampahan ng kaso ang suspek sa provincial prosecutor’s office ng pagnanakaw, pagpatay at panggagahasa.

vuukle comment

KILLER

RAPIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with