Mga residente sa mababang lugar, pinalilikas Marikina River, itinaas na sa ika-2 alarma
MANILA, Philippines — Pinalilikas kahapon ang mga residente sa mga mabababang lugar sa Marikina City matapos na itaas ng lokal na pamahalaan sa ikalawang alarma ang antas ng tubig sa Marikina River dulot ng malalakas na pag-ulan na dala ng bagyong Paeng.
Sa abiso ng Marikina LGU, dakong ala-1:50 ng hapon nang ideklara ang ikalawang alarma sa ilog matapos na umabot na sa 16 metro ang antas ng tubig nito.
Lahat ng walong floodgates sa Manggahan Floodway ay bukas, ayon sa Marikina City Public Information Office.
Ang ikalawang alarma naman ay itinataas kapag umabot na sa 16 metro ang antas ng tubig sa ilog. Nangangahulugan ito na dapat nang lumikas ang mga residente na ang tahanan ay nasa mababang lugar. Ang ikatlong alarma naman ay itinataas pagpalo ng antas ng tubig sa 18 metro. Kung saan ipatutupad ang forced evacuation.
- Latest