^

Police Metro

Libong pasahero sa pantalan stranded kay Paeng

Danilo Garcia - Pang-masa
Libong pasahero sa pantalan stranded kay Paeng
Photo shows stranded passengers and vehicles in Sta. Clara Port, Northern Samar on the morning October 28, 2022.
Release / Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtama ng bagyong Paeng nitong Bi­yernes ng tanghali ay nasa 4,551 pasahero, drivers­ at mga cargo helpers ang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na na-stran­ded sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Sakay ang mga ito ng 978 rolling cargoes, 29 barko at anim na motorbanca na stranded din habang nasa 73 vessels at 45 motorbancas ang nakikisilong sa mga pier sa Bicol, Southern Tagalog at Eastern Visayas.

Sinuspinde ng PCG ang mga biyahe ng mga sasak­yang-pandagat sa Cen­tral Cebu, Camotes, Eastern Bohol at Western Leyte gayundin ang mga biyahe sa Roxas City tungo sa Romblon at pabalik.

Nagsuspinde rin ang PCG-Ilocos Norte ng bi­yahe ng maliliit na sasak­yang-pandagat sa hilaga at kanlurang seaboards habang inabisuhan ang mala­laking vessels ng malala­king alon sa karagatan.

Nanawagan si PCG spokesperson Commodore­ Armand Balilo sa mga biyahero lalo na ang mga uuwi sa kanilang mga pro­binsya sa Undas na suspindihin muna ang ka­nilang biyahe dahil sa banta ng bagyo at posibleng ma-stran­ded lamang sila.

PHILIPPINE COAST GUARD

STRANDED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with