^

Police Metro

‘Karding’ nag-iwan ng 8 patay – NDRRMC

Doris Franche - Pang-masa
‘Karding’ nag-iwan ng 8 patay – NDRRMC
This handout photo taken and released by the Presidential Photographers' Division on Monday, Sept. 26, 2022 shows an aerial view of a flooded area in Central Luzon in the aftermath of Typhoon Noru (Karding).
Malacañang photo via AFP

MANILA, Philippines — Umabot na sa walong katao ang naiulat na namatay sa super bagyong Kar­ding na nag-iwan ng tinata­yang P160 milyong pinsala sa sector ng agrikultura.

Sinabi kahapon ni Asec. Bernardo Rafaelito Alejandro, Civil Defense Deputy Administrator for Operations at spokesperson ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang sa walong namatay ang 5 veteran rescuers sa Bulacan, 2 sa Zambales at 1 sa Quezon province.

Bukod sa 8 namatay, may ulat din umanong 3 mangingisda ang patuloy na nawawala sa Mercedes, Camarines Norte.

May kabuuang 45,334 katao o 11,500 pamilya  ang lumikas sa kasagsagan ng bagyo.

Sinabi rin ni Alejandro na ang sector ng agrikultura ang pinakamatinding sinalanta ni Karding kung saan P160 milyong halaga ang naitalang pinsala. May 3,780 magsasaka at mangi­ngisda ang naapektuhan.

TYPHOON KARDING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with