76 pribadong paaralan sa Western Visayas, nagsara

MANILA, Philippines — Nasa 76 pribadong pa­aralan sa Western Visayas ang nagtigil ng kanilang operasyon ngayong School Year 2022-2023.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Western Visayas Regional Information Officer (PIO) Hernani Escullar, sa natu­rang bilang, 17, na mula sa anim na school division offices, ang nag-anunsiyo ng permanent closure.

Ang natitira pang 59 pribadong paaralan ay pan­sa­mantala lamang na ititigil ang kanilang operasyon ngayong taon.

Sinabi ni Escullar na karamihan sa mga naturang­ paaralan ay nagtuturo sa kindergarten at elementary­ students habang ang iba ay mayroong junior at senior high school students.

Ipinaliwanag pa ni Es­cullar na ang dahilan ng shutdown ay mababang enrollment turnout at prob­lemang pinansiyal na dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa ngayon aniya ay ti­nutukoy pa nila kung gaano karami ang mga mag-aaral na apektado ng pagsasara ng mga naturang paaralan.

Tiniyak rin ng DepEd official na pinagkakalo­oban nila ang mga ito ng kaukulang tulong upang makalipat ng paaralan.

Paniniguro pa niya, handa ang mga pampublikong paaralan sa rehiyon na tanggapin ang mga apek­tadong estudyante.

Show comments