MANILA, Philippines — Para maipagpatuloy ang “Libreng Sakay” program para sa rutang Epifanio de los Santos Avenue (Edsa) bus carousel hanggang sa katapusan ng taon ay naghahanap na ang Department of Transportation (DOTr) ng karagdagang P1.4 bilyon.
Inamin ni DOTr Secretary Jaime Bautista sa Laging Handa press briefing na hindi sapat ang kasalukuyang budget para sa libreng sakay kung palalawigin ito hanggang Disyembre 31.
Sinabi ni Bautista na hihiling sila ng karagdagang pondo sa Department of Budget and Management at ng tulong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaan na inaprubahan ni Marcos ang pagpapalawig ng programang libreng sakay sa Edsa carousel at libreng sakay para sa mga mag-aaral sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3), Light Rail Transit-2, at Philippine National Railways.
Layunin ng hakbang ni Marcos na matulungan ang mga mamamayan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin.