Ammonia, sumingaw sa ice plant sa Navotas
MANILA, Philippines — Nabulabog ang mga residente matapos sumingaw ang ammonia sa isang planta ng yelo sa Navotas City, noong Sabado ng gabi.
Sa report ng Navotas-PNP, alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Magsimpan Ice Plant and Cold Storage Inc. na matatagpuan sa kahabaan ng M Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.
Sa pahayag sa pulisya ni Roey Ganzo, nasa hustong gulang at in-charge maintenance ng naturang planta ng yelo, habang naglilinis siya ng natitirang liquid sludge nang mapansin niya ang malakas na amoy ng ammonia sa loob ng residential area ng nasabing ice plant.
Kaagad silang umalis sa loob ng naturang lugar saka humingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Navotas police.
Mabilis namang rumesponde sa naturang lugar ang pulisya at bumbero sa lugar at wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.
- Latest