AiAi, Yap idineklarang ‘persona non grata’ sa Quezon City

MANILA, Philippines — Sobra umanong nabastusan ang pamahalaan ng Quezon City sa komed­yanteng si Ai Ai delas Alas at sa cinematographer­ na si Darryl Yap sa ginawa ng dalawa sa official seal ng lungsod.

Sa dalawang minuto at 21 segundo na video, napa­nood na pinalitan ang official seal ng lungsod ng BBM at Duterte, na kapwa sinuportahan ng dalawa sa nakalipas na eleksyon na ipinost ni Yap sa kanyang Vincentiments Facebook Page ay itinampok si Delas Alas sa karakter na “Ligaya Delmonte” na maituturing na pagtukoy kay Mayor Joy Belmonte.

Nabatid na si District IV Councilor Ivy Lagman ang naghain ng resolusyon na agad namang inaprubahan ng konseho. 

“The people of Quezon City will not let anyone disgrace the official seal of Quezon City for per­sonal and selfish interests,” dagdag ni Lagman. 

Nabatid na ginagamit na ng Quezon City ang of­ficial seal mula nang apru­bahan ng Office of the Pre­sident at adopted ng City Council noong February 3, 1997 sa pamamagitan ng Re­solution No. 10320, S-1975.

  

Show comments