^

Police Metro

Kampo ni BBM pinababasura sa SC ang DQ cases

Joy Cantos - Pang-masa
Kampo ni BBM pinababasura sa SC ang DQ cases
A photo of Atty. Estelito Mendoza during the the Good Conduct and Time Allowance (GCTA) hearing in September 2019.
PNA photo by Avito C. Dalan

MANILA, Philippines — Isusulong ng kampo ni leading presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbasura ng Korte Suprema sa isinampang disqualifi­cation cases.

Ayon kay Atty. Estelito Mendoza, abogado ni Marcos, hihilingin nila sa Korte Suprema na ipawalang bisa ang diskuwalipikasyon laban kay Marcos na inihain ng mga petitioners para pigilan ang canvassing at proklamasyon ng presumptive President.

Una nang inatasan ng Korte Suprema ang Co­melec, Senado at Kamara na magkomento sa loob ng 15 araw matapos maiahin na ang certiorari ng grupo ng mga sibikong lider na nais baliktarin ang ruling ng Comelec na ibinasura ang kanilang apela na idiskuwalipika ang ‘Certificate of Candidacy’ ni Marcos.

Hiniling rin ng mga petitioners na mag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining order­ (TRO) para ipatigil ang canvas­sing ng boto at ma­proklama ang nagwaging frontrunner na si BBM.

Sinabi ni Mendoza na isinasaad sa Article VII Section 4 ng 1987 Cons­titution na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magtatapos na dakong alas-12 ng tanghali sa Hunyo 30 kung saan papalit na rito ang incoming President. Si Marcos ay nagwagi sa presidential race kung saan nasungkit nito ang mahigit 31-M boto.

Binigyang diin pa ni Mendoza na ang election protest ay maari lamang isampa kapag naiproklama na ang nagwaging kandidato.

Itinakda naman ang pagsanib na dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa canvassing sa darating na Mayo 24 habang ang proklamasyon ay posibleng isagawa sa Biyernes ng susunod na linggo.

ESTELITO MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with