MANILA, Philippines — Muli na namang pinatunayan ng Google Trends na mas akma itong sukatan kumpara sa surveys nang mahulaan nito ang lamang ni Emmanuel Macron kay Marine Le Pen sa halalan sa pagkapangulo sa France.
Nakita ng mga survey na malaki ang agwat ni Macron kay Le Pen ngunit sa pag-aaral ng data scientist na si Wilson Chua gamit ang Google Trends, lumabas na mahigpit ang magiging labanan sa pagitan ng dalawa.
Ayon kay Chua, nakakuha si Macron ng 10 habang may 9 naman si Le Pen pagdating sa interest over time ng Google Trends noong Abril 21.
Gaya nang nakita ng Google Trends, nakakuha si Macron ng 58.6% para sa panibagong limang taong termino habang may 41.5% si Le Pen.
Sa Pilipinas naman, malaki ang lamang ni Vice President Leni Robredo sa nangunguna sa survey na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pagdating sa Google Trends.
Si Robredo ay may bitbit na 66% kontra sa 30% lang ng kanyang katunggali at pagdating sa sentiment analysis, angat ang una na may 26.4% positive sentiment kumpara sa 12.8% ni Marcos.
Ayon kay persuasion specialist Alan German, mas tamang sukatan at tama ang resulta ng Google Trends kumpara sa ground surveys dahil tinatantiya nito ang galaw kung sino ang posibleng iboto ng tao