MANILA, Philippines — Naghahanda na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa Consolidation and Canvassing System (CCS) sa posisyon ng bise presidente at presidente sa bansa sa gaganaping eleksyon sa May 9.
Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang canvass of votes para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno ay kabilang sa pinakamahalagang constitutional mandate ng Kongreso.
Nitong Lunes ay nagsagawa ang ilang mga mambabatas sa Kamara ng executive session para sa briefing ng Comelec sa National Board of Canvassers-Congress para sa paggamit ng CCS sa halalan.
Tiniyak naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa publiko partikular na sa mga botante na bawat boto ay mabibilang ng tumpak.