Nakita ko ang teaser ng Sparkle ni direk Johnny Manahan at maganda ang presentation ng talents. Makikita mo talaga ang Johnny Manahan touch sa kilos at transformation ng personality ng stars kapag dumaan sa kamay ni Direk Manahan, gaya nang ginawa niya sa mga taga-Star Magic.
Ngayon naman, ang Sparkle ang bibigyan ng magic touch ni Mr. M kaya mataas ang expectation ng lahat. Kitang-kita mo ang confidence sa stars na hina-handle niya. Sabi nga niya, only the brightest Sparkles, kaya iyon ngayon ang hinihintay ng lahat na mangyayari sa stars na kasali sa Sparkles. Bongga, challenge talaga. Pressured kaya dapat magpakitang gilas ang lahat.
Kamiseta, ginawan ng jacket si Sara
Ang ganda ng jacket na suot ni Sara Duterte sa campaign niya. ‘Yung green jacket na bagay na bagay sa kanya mukhang very special kaya nag-investigate ako kung saan binili at sino ang gumawa.
At bongga, nalaman ko na Kamiseta pala ang gumawa ng jacket at pumili ng design, plus talagang special ang ginamit na material talaga.
Iba rin basta pasadya at talagang customized ang isusuot mo, talagang fit at bagay sa iyo. Talagang bagay na bagay kay Sara Duterte ang green jacket niya na gawa ng Kamiseta, Inday Sara talaga.