Buy-bust: Drug suspect, tigok

MANILA, Philippines — Patay ang isang drug suspect nang makipagbarilan sa mga tauhan ng Muñoz City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Barangay Sapang Kawayan, Nueva Ecija.

Kinilala ang napatay na suspek na si Denmark Flora, ng Brgy. Poblacion West, Muñoz ng nabanggit na lalawigan.

Sa ulat, alas-4:00 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust ope­ration ang mga otoridad, subalit nakatunog umano ito na mga pulis ang kanyang katransaksiyon kaya’t nagbunot ng baril at pinagbabaril ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis na naging dahilan ng pagkamatay ni Flora.

Nakuha mula sa suspek ang isang Magnum .22 revolver, isang granada, P26,800 halaga ng shabu, P600 halaga ng dahon ng marijuana, P500 mark money at isang cellphone.

Show comments