Alert level 2 sa buong Pinas hanggang Disyembre 31

MANILA, Philippines — Simula ngayong araw, Disyembre 16 hanggang Disyembre 31 ay mananatili sa Alert Level 2 ang lahat ng lugar sa Pilipinas.

“The entire country will continue [to be] under Alert Level 2 beginning tomorrow, December 16, until December 31, 2021,” ani acting presidential spokesperson Karlo Nograles sa press briefing.

Ang nasabing desisyon ay napagkasunduan sa isang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, nitong Martes.

Dagdag pa rito, hindi na ipatutupad ang guidelines sa community ­quarantine system at tanging Alert Level System na ang inadopt sa buong bansa.

Sa ilalim ng Alert ­Level 2, ilang mga ­negosyo ang papayagan na makapagbukas  sa 50% capacity indoors para sa mga fully vaccinated adults at 70% capacity naman outdoors.

Show comments