Higit 1K suspects natimbog sa 1-linggong drug ops
MANILA, Philippines — Mahigit 1,000 drugs suspects ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa isang linggong anti-illegal drug operations na isinagawa nitong Disyembre.
Sa ulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kay Pang. Rodrigo Duterte, nabatid na umaabot sa 940 operasyon ang ikinasa ng PNP mula Disyembre 5 hanggang 11 lamang.
Nagresulta sa pagkakaaresto ng may 1,253 drug suspects, na pawang nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, mayroon rin namang 21 drug suspects ang sumuko sa mga Otoridad sa mga nasabing petsa.
Umaabot rin sa P72.8 milyon ang halaga ng iba’t ibang uri ng ilegal na droga na nasamsam sa mga naturang operasyon.
- Latest