MANILA, Philippines — Limang Army Reserve officers na kandidato sa 2022 halalan ang tinanggal na ng Philippine Army Reserve Command (ARESCOM).
Kinilala ang mga tinanggal na sina senatorial aspirant Brigadier General Herbert Bautista (Res); re-electionist Representative Colonel Isdiro Ungab, Congressional candidate Lieutenant Colonel Eugene Balitang; Gubernatorial candidate Lieutenant Colonel Jayvee Tyron Uy; at Gubernatorial reelectionist Lieutenant Colonel Rhodora Cadiao. Ayon kay AFP Chief of Staff at concurrent Commander ng Philippine Army, Lieutenant General Andres Centino, ang kanilang desisyon ay upang mapanatili ang pagiging “non-partisan” ng militar sa darating na halalan.
Una nang nagbitiw sa kanyang posisyon bilang hepe ng Communications panel ng Philippine Army Multi-Sectoral Advisory Board (MSAB) si Reservist Captain Robin Padilla, na tumatakbo sa pagka-senador.